Total gun ban sa bansa suportado ng CBCP

gun-ban

SUPORTADO ng Simbahang Katoliko ang panukalang pagpapatupad ng total gun ban sa bansa kasunod ng pagkamatay ng dalawang paslit nang tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Taong 2013 at ang pamamaril ng isang drug addict sa Kawit, Cavite na ikinamatay ng walong katao at ikinasugat ng siyam iba pa.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat ikonsidera ng pamahalaan ang naturang panukala para sa kaligtasan ng maraming Pinoy.

Maaari rin naman aniyang payagan ang ilan na magdala ng baril bilang proteksiyon sa sarili lalo na kung talagang nasa panganib ang buhay ng mga ito ngunit iginiit na ang gun ban ay para sa diwa ng kapayapaan at proteksiyon, lalo na ng mga inosente.

Pinayuhan pa ng CBCP president ang pamahalaan na maging istrikto sa pagbibigay ng lisensiya sa mga indibidwal na nais magdala ng baril.

Aniya, dapat tiyakin na ang mga taong pinapayagang magbitbit ng armas ay dapat na nasa tamang pag-iisip at emotionally reliable.

Dapat din aniyang paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa loose firearms.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply