TOUGH JOB FOR ‘NERO WOLFE’

bong_padua1

Ang Quezon City ay lugar sa Metro Manila na masalimuot ang kaganapan ng krimen.

Kumbaga sa Tate,  ang QC ay ang  New York.

Ang QC, tulad ng NY, ay progresibo, subalit hindi maitatatwa ang mapangahas na nangyayaring mga malalaking krimen.

Ang kapusukan ng NY criminals, marahil, ang nagbunsod sa kilalang manunulat na si Rex Stout para buhayin ang katauhan ni ‘Nero Wolfe’.

Sa mga fiction story ni  Stout, si Wolfe ay isang magaling na detective na lumutas sa maraming kaso ng unsolved crimes sa NY.

Sa pagtatalaga kay S/Supt. Richard Albano bilang bagong QCPD director, bumalik sa aking memorya ang katauhan ni Wolfe.

Hindi ko kasi maiwasang ihambing si Col. Albano kay Wolfe dahil sa halos magka-parehong physical asset at galing sa detective work.

Sa mga kuwento ni Stout, si Wolfe ay medyo bulky, subalit tulad din ni Col. Albano, ‘di ito naging hadlang sa kanyang anti-crime job.

Tulad din ni Wolfe, maraming nalutas na kaso si Col. Albano dahil sa kakaiba niyang intelligence strategy at  pag-iimbestiga sa kaso.

Sinasabi natin ito dahil naging saksi tayo – bilang matagal na police reporter –  sa mga sensational crime na naresolba ni Col. Albano.

Tailor-fit si Col. Albano sa kanyang bagong assignment dahil nakatitiyak si Mayor Bistek Bautista na titino ang mga criminal sa QC.

Ang masasabi natin, eh, tough job for ‘Nero Wolfe’.

****

Hindi lang krimen, kundi namamayagpag din ang operasyon ng mga iligal diyan sa QC na dapat pagtuunan ng pansin ng butihing opisyal.

May isang ogag diyan na tumutugon sa alyas na ‘Rocky’ ang walang takot na gumagamit sa district director para makapangotong.

Tumataginting na P4 hanggang P5 million ang nakokolekta ni ‘Rocky’ kada buwan para raw kay DD (District Director).

‘Di tuwid na daan na ipinapangalandakan ni Pangulong Noynoy Aquino na dapat mangyari sa kanyang liderato ang ipinakikita ni ‘Rocky’.

Pakiwari natin, ‘di na kailangan si Wolfe para maituwid ang daan na matagal nang binabaluktot ni ‘Rocky’ dahil sa kanyang kalokohan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply