Trabaho para sa mahihirap dapat tutukan ni PNoy – Obispo

pnoy0

JOB creation o paglikha ng maraming trabaho para sa mahihirap ang dapat na tutukan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ngayong taong 2013.

Ito ang iginiit kahapon ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso.

Ayon kay Medroso, bagama’t sinasabing gumaganda ang ekonomiya ng bansa ay hindi naman aniya ito nararamdaman ng mga maralita.

Bilang katunayan, aniya, ay marami pa ring mga Pilipino ang lumalabas ng bansa at nakikipagsapalaran sa ibang bansa dahil wala silang nakukuhang trabaho sa Pilipinas.

Iginiit pa ng Obispo na higit na pakatutukan ng pamahalaan ang pagtataguyod ng mga programa at kabuhayan sa mga kanayunan.

“Ang sinasabi kasi ngayon na ang ating piso ay getting stronger and stronger. Pagkatapos our economy is really brighter and brighter but dumarami ang mga mahihirap.  Marami ang mga taong no jobs at all. Hindi nila ito nararamdaman. Siguro upper bracket ay nararamdaman nila ang pag-angat pero sa baba hindi. Katunayan, marami pa rin ang nakikipagsapalaran abroad,” ani Medroso, sa panayam sa radyo.

“Sana, this year 2013 ay pakatutukan ng pamahalaan ni Pangulong Aquino ang job creation lalo na sa mga kanayunan,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply