Trader hinoldap, P110K cash at gamit natangay

holdap

TINANGAY ng dalawang hindi nakilalang kawatan ang P110,000 cash at mahahalagang gamit ng isang babaeng negosyante sa Surigao del Sur, iniulat ngayon ng pulisya.

Batay sa naantalang ulat sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Caol Guerta, 36, at residente ng Magosilom, Cantilan, Surigao del Sur.

Sa report, bandang 6:30 Sabado ng gabi, isinasara na ng biktima ang kanyang tindahan na Guerta Rice and Feeds nang sumulpot ang dalawang lalaki na armado ng kalibre 45 pistola at agad tinutukan ang negosyante.

Habang nakatutok ang baril ay kinuha ng mga suspek ang sling bag ng biktima na naglalaman ng blank checks, passbook, ATM cards at cash na nagkakahalaga ng P110, 000.

Nang maisagawa ang pakay ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng Cantilan Police sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply