Traffic re-routing sa Pista ng Black Nazarene inilabas

INILABAS na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang traffic re-routing para sa mga motorista kaugnay ng prusisyon ng Itim na Nazareno sa Miyerkules, Enero 9.

Sa pahayag ng MMDA lahat ng sasakyan na mula sa Quezon City na dumaraan sa España ay pinapayuhang kumanan sa P. Campa, kakaliwa sa Andalucia, kanan sa Fugoso, kaliwa sa T. Mapua hanggang sa destinasyon.

Para sa mga sasakyang manggagaling sa Hilagang bahagi ng Maynila na tatahak sa southbound ng Bonifacio Drive ay maaaring kumanan sa Roberto Oca, kaliwa sa Delgado, kaliwa sa 25th Street, kaliwa sa Bonifacio Drive para sa mga tutungo sa Port Area, o kaya’y kumanan sa Soriano hanggang Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos, hanggang dumiretso sa Lagusnilad hanggang Taft Avenue.

Para naman sa mga magmumula sa Taft patungong Quezon City ay dapat kumanan sa UN Avenue hanggang Otis, kaliwa sa Nagtahan, diretso sa A.H. Lacson, kakanan sa España hanggang sa destinasyon.

Mula sa Quirino Grandstand, kakanan ang prusisyon sa Katigbak Drive palabas ng P. Burgos, kakaliwa sa Taft Avenue patungo sa McArthur Bridge, kakanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal palabas ng Vergara, kaliwa sa Duque de Alba, kaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farneclo, kanan sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kaliwa sa Carcer, kanan sa Hidalgo patungo sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo hanggang Puyat.

Mula sa Puyat, kakaliwa naman sa Guzman, kakanan sa Hidalgo, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Globo De Oro hanggang makarating muli sa Quezon Bridge. Sunod ay kakanan sa Palanca, kanan sa Villalobos at didiretso sa Plaza Miranda papasok sa Simbahan ng Quiapo.

Pinayuhan naman ng MMDA ang lahat ng mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lansangan upang hindi maipit sa dagsa ng mga deboto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply