Trak at bus nagsalpukan, 2 patay, 40 sugatan

truck-accident

DALAWA ang patay habang 40 pa ang nasugatan nang magbanggan ang isang pampasaherong bus at trak sa Sorsogon kaninang madaling araw.

Dead on the spot ang mismong drayber ng Elavel bus line na si Raymundo Lapso Oliva residente ng Catlonga, Camarines Norte at isang pasahero nitong si Johnny Frivaldo ng Bibingcahan, Sorsogon, sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan

Isinugod sa ospital sanhi ng bali at sugat sa katawan ang may 40 pasahero kabilang ang isang paslit na tumilapon palabas ng nasabing bus.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa isang bisinidad ng Maharlika highway sa Barangay Rawis Castilla, Sorsogon.

Nabatid na nagmula sa Metro Manila ang nasabing bus at patungo ito sa Samar nang biglang suwagin nito ang kasalubong na trak sa nasabing highway.

Sa ngayon, iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply