Trak sumalpok sa concrete barrier sa Alabang, 1 patay

bangkay

TODAS ang driver ng isang delivery truck truck makaraang sumalpok sa concrete barrier sa itaas ng flyover Northbound lane ng Alabang viaduct sa Muntinlupa City, Biyernes ng umaga.

Dead on the spot ang driver ng Isuzu FB delivery truck (XRP-882) na si Apolinario Nueve, 59, ng Liliw, Laguna.

Sa ngayon ay nasa Funeraria Amigos, sa Lower Bicutan, Taguig City na ang bangkay ng biktima.

Ligtas naman at nagtamo lang ng minor injuries ang pahinante nito na si Noel Cabugaoan, 32, ng Cabuyao, Novaliches. Quezon City.

Kinumpirma ng pahinante kay SPO1 Norman Susas ng SLEX Highway Patrol Group, na madulas ang kalsada nang binabagtas ng delivery truck na may kargang mga itlog ang direksyon ng Northbound lane ng Alabang viaduct.

Nawalan na umano ng kontrol sa manibela ang driver at nagpaikot-ikot ito bago nasalpok ang concrete barrier.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply