Transport group naglunsad ng kilos protesta vs UV express phase out campaign ng LTFRB

uv-express

ABOT sa 600 miyembro ng mga transport group ang lumahok sa kilos protesta bilang pagtutol sa mandatory phase out at replacement na ipatutupad Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga utility vehicle at taxi na mahigit 13 na.

Pawang driver ng mga UV Express Unit at miyembro ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang sumama sa protest caravan mula sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City, kaninang alas-8:00 ng umaga patungong Mendiola sa Maynila.

Layun ng protesta na dalhin  mismo kay Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang pangunahing kahilingan na itigil at ibasura ang pagpapatupad ng UV Express Year Model Phase-Out na sinimulang ipatupad ng LTFRB ngayong 2013.

Ayon kay George San Mateo, National President ng PISTON Partylist at Lead Convenor ng ALSA-UV, ang malawakang transport protest caravan ang magsislbing opening salvo ng mga kilos-protesta na isasagawa ng mga driver at operators ngayong 2013 upang hilingin kay Pangulong Aquino ang mga sumusunod: (1) Pagpapatigil at pagbabasura sa UV Express Year Model Phase-Out, (2) Imbestigahan ang Overpricing sa Langis at ang sunud-sunod na Oil Price Hikes at (3) Kilalanin at ipatupad ang desisyon ng Baguio RTC noong May 2, 2012 at ng Court of Appeals noong Nov. 16, 2012 na nagpapatigil at nagbabasura sa DOTC-LTO Dept Order 2008-39 (mataas at excessive na multa at parusa na ipinapataw ng LTO sa mga motorista lalo na sa public transport sa buong bansa).

Binigyang-diin pa ni San Mateo na mapipilitan ang mga UV Express drivers at operators na magsagawa ng mas malawakang pagkilos kahit pa umabot ito sa pagsasagawa ng welgang transportasyon kung hindi bibigyan-pansin ni Pangulong Aquino ang kanilang kahilingan lalo na ang pagpapatigil sa UV Express Year Model Phase-Out. Sinabi pa ni San Mateo na handa ang jeepney sector na suportahan ang mga pagkilos na isasagawa ng mga UV Express Drivers at Operators lalo pa na may ikinakasa din ang DOTC at LTFRB na Year-Model Phase-Out sa hanay ng jeepney na mariin din na tinututulan ng PISTON.

Igniit pa ni San Mateo na  karamihan sa mga UV operators ay mga maliliit na operators o mga single-unit operators kaya hirap at walang kapasidad pang bumili ng bago dahil na din sa taas ng presyo ng langis, maintainance, spare parts at iba pa pati halaga ng mga bayarin at multa.

“Mariing kinokondena ng PISTON at ALSA-UV ang DOTC at LTFRB sa pagpapatupad ng Year Model Mandatory Phase-Out sa UV Express sa kabila ng unanimous na pagtutol ng lahat ng mga operators at lider ng iba’t ibang pederasyon at samahan ng UV Express na dumalo sa public hearing na pinatawag ng LTFRB noong Oktubre 24, 2012,” giit pa ni San Mateo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply