TRAPIK NG DRUGLORD, HOLDAPER AT ISANG PARAK

benny antiporda

BUKSAN naman po natin ang espasyo para sa ating mambabasa upang mailabas nila ang kanilang mga reklamo, paniniwala, nalalaman at iba pa.

NAGPAPASALAMAT SA AKSYON

Good pm po. Ibig po namin na pasalamatan ang mga bumubuo ng ‘Kolum’ na ito dahil sa walang sawa ninyong paglingap sa mga kagaya naming mahihirap sa paraan ng paglalagay ng aming reklamo. Nawa’y ‘wag magbago ang pagtrato n’yo sa amin. Sana po maging mabilis pa ang paglalagay niyo ng aming komento at reklamo sa inyong kolum upang mabasa agad ng mga kinauukulan. Muli tanggapin n’yo ang aming taos pusong pasasalamat. Concerned citizen. 0928253….

TRAPIK DAHIL SA DRUGLORD

Dito po sa may Gas Asia, Purok 6, Calapacuan, Subic Zambales ay dapat 24 oras na mag-checkpoint ang pnp dahil sa sobrang traffic dito. May druglord pa na isang alias Rizal na hindi mahuli-huli ng pnp. Marami na rin siyang taga-deliver ng shabu. Kaya halos gabi-gabi ang sobrang traffic dahil sa dami ng kanyang kliyente. Ano ang ginagawa ng mga barangay police rito? Dapat tutukan ito ng pnp, hindi iyong mga jeepney driver lamang ang kanilang hinuhuli. Nakatago pa sa dilim. Puntahan ninyo ito at iparating sa pnp at pdea. 0928871….

TAKBUHAN NG HOLDAPER

Good am po. Gusto lang naming ipaalam na hindi po lahat ng butas sa pader na takbuhan ng mga holdaper at snatcher sa Tagaytay St. sa Quezon City at Caloocan City ay sarado. Katunayan, nakaraan pa kami nang may bayad sa eskinita malapit sa Laloma Cemetery at doon naman kami bumaba malapit sa A. Bonifacio. Makabubuti siguro na ‘pasyalan’ mo uli ang kahabaan ng kalye Tagaytay. Wala pa riyan ang takbuhan papanhik-panaog sa kahabaan ng pader sa A. Bonifacio, Q.C. Salamat po, concerned citizen. 0928253….

WALANG 13TH MONTH PAY

Sir, magandang araw po. Pakikalampag naman po ang Ardees Venture. Wala po kaming 13th month pay. Ang lahat ng mga empleyado niya ay pakyawan, arawan at nasa trucking. Sir, ‘wag n’yo na lang pong ipakita ang number ko. Sir, ito po ang number sa opisina: 2428550 at 245-9740. 0928…….

AMBUSH ‘DI SHOOTOUT

Syndicated ambush at hindi shootout ang nangyaring barilan ng mga pulis at militar sa Atimonan, Quezon. Kitang-kita ang ebidensya na hidi naka-uniform ang mga pulis na nanambang. Fully closed ang mga sasakyan na tadtad ng bala at sinigurado nila na walang matitirang buhay ang nasa loob ng mga sasakyan. Dapat managot ang mga involved na pulis. At ang mga abogado naman na nagdedepensa sa mga ambusher, sana naman mag-isip kayo para sa fair, legal at decent opinion. EHP. 0920823….

ILIGAL NA KURYENTE

Magandang gabi po. Sana aksyunan naman po ang iligal na kuryente rito sa lugar namin sa San Luis St. Sitio Fatima, Brgy. San Isidro, Sucat, Parañaque City. Pinangangasiwaan ito ni alias Bong, mga amigo niyang sina alias Cheng, Dave, Wel at Ron. Ang paraan ng pagnanakaw ni alias Bong ay sa may katabi lang ng kanyang bahay may mga kuntador at doon siya sumasabit. At ito ang kanilang hanapbuhay: ang pagdya-jumper. Ang bahay ni alyas Bong ay katabi lang ng covered court ng San Luis St. Marami siyang sinusuplayang kapitbahay niya. Sana po ay maaksyunan ang napakatagal na nilang gawaing ito rito. 0947389….

BENTANG ALIW AT MGA SENADOR

Alam mo, naiyak ako sa balita sa telebisyon na may isang ina na dalawang kilong bigas ang bayad ng kanyang pagbebenta ng panandaliang aliw. Pinag-aawayan naman ng mga senador ang perang bayan. Mga senador, hindi ninyo ba nakita ang pobreng mag-iinang ito? Magpasa kayo ng batas na lahat ng Pinoy ay bigyan ng trabahong ayon sa kaya nilang gawin. Hoy, gising mga politikong suwapang sa pera. Hindi ninyo madadala sa langit ang pera ninyo. 0909679….

IBANG TAGASINGIL NG BOMBAY

Good pm, Sir Benny. Isa po akong tagasubaybay sa column mo sa Remate! Ask ko lang po: nagkaroon ako ng utang sa Bombay pero bigla siyang nawala at ‘di nagpakita. Nang tumagal, may dumating na tagasingil daw niya pero ‘di ko siya kilala. May karapatan ba akong hindi magbayad sa tao na hindi siya ang kausap ko noong time na iniabot sa akin ang pera? 0908129….

SUSPENDIDONG MAYOR

Dito po sa Norzagaray, Bulacan, sinuspinde ng Sangguniang Bayan-Region 3 ang aming alkalde. Ang masama ayaw niyang bumaba sa puwesto at ang kanyang dahilan hindi raw niya natanggap ang Sanggunian letter. Ang masama, mula Dec. 17 up to now, ‘di pa nakatatanggap ng sahod ang mga empleyado. 0906683….

FOOTBRIDGE VENDORS

Good am, Sir Benny. Nais ko lang po malaman kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa rin napaaalis ang vendors sa footbridge ng edsa cor. Ortigas. Sa rami ng dumaraan, lalo pang sumisikip gawa ng mga illegal vendor na ‘yan. Pakisigawan lang po sila. Thank you and more power. 0909515….

ABUSADONG PARAK

Good pm. Baka puwede sa kolum mo ito. Abusado at mayabang na pulis na si SPO1 De Vera Jr., of QCPD motorcycle unit. Security escort siya ni QC-RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes. Panay ang wangwang at sinisigawan ang mga motorista para makaraan s’ya kahit grabe ang trapik sa Padre Faura St., Ermita, Manila, in front of Supreme Court. Daig pa n’ya si PNoy. 0906418….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply