Traslacion ng Nazareno, pangkalahatang naging mapayapa

NAGING mapayapa ang ‘traslacion’ ng Itim na Nazareno sa Quiapo mula Quirino Grandstand sa Maynila.

Sinabi ni Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez, dakong ala-1:30 kaninang madaling araw nang makarating sa simbahan ng Quiapo ang karosa ng Poon matapos ang mahigit 17 oras.

Pasado ala-7:00 ng umaga kahapon nang magsimula ang traslacion sa Grandstand matapos ang misa ni Manila Archbishop, Cardinal Antonio Tagle.

Tinatayang siyam na milyong katao ang dumagsa sa Pista ng Itim na Nazareno kabilang ang mga deboto na humatak sa karosa ng Poon at mga nagsimba.

Samantala, tulad ng inaasahan may mga naitalang nasaktan at nasugatang deboto sa ginanap na prusisyon.

Sa latest report ng Philippine Red Cross, umaabot sa 1,430 na mga deboto ang binigyan nila ng tulong medikal. Sa naturang bilang, 826 ang nagtamo ng minor injuries habang 35 naman ang major injuries.

Nasa 560 ang nagpakuha ng blood pressure at nasa siyam na tao naman ang isinugod ng PRC sa ospital.

Sa katunayan, isang babae ang inabutan ng panganganak sa kasagsagan ng prusisyon.

Kinilala itong si Rosita Rivera, 28 anyos na dinala sa Ospital ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply