Trike driver na pusher nalambat ng PDEA

PDEA

ARESTADO ang isang tricycle driver na tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Piat, Cagayan nitong Enero 14.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang nahuling suspek na si Francisco Ubiña, alias Dinan, ng Purok 5, Sta. Barbara, Piat, Cagayan. Si Ubiña ay pang-siyam sa target-list ng PDEA sa naturang lalawigan.

Sa buy-bust operation sa naturang lugar, nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 2 si Ubiña makaraang bentahan ng shabu ang isang poseur buyer na nagkakahalaga ng P4,000.

Bukod sa shabu nakuha rin sa suspek ang dalawang pirasong P1000 marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng  Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Ubiña.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply