TRO LABAN SA CHINA

raul_valino

HINDI dapat nangyari ito kung nagkaroon lang ng political will ang gobyerno ng Pilipinas upang ipagtanggol nito ang ating territorial integrity.

Ngayon ay huling baraha na ito ng Pilipinas para makuha uli natin ang ating portion ng South China Sea na tinatawag natin ngayong West Philippine Sea.

Nagsampa na ng demanda ang Pilipinas sa United Nations (UN) upang muli nating maangkin ang South China Sea na pag-aari na ng China.

Unconstitutional daw ang pagkamkam ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa China, magmula ngayon ay bawal nang pumalaot ang mga Filipino sa karagatang ito, at bawal na ring mangisda at maghanap ng langis.

Ang sinomang Pinoy na hindi susunod sa batas ng China sa South China sea ay bobombahin ng kanyon at kung makaligtas man sila ay tiyak na sila ay ikukulong sa mga Chinese garrison.

At pumunta nga ang gobyerno ni Pangulong Noynoy sa UN upang magreklamo laban sa China at upang makiusap na isauli na ang West Philippine Sea o South China Sea sa mga Pinoy.

Humihingi ng temporary restraining order (TRO) si PNoy sa UN tribunal. Malabong mapagbigyan si PNoy sa kahilingang ito sapagka’t ang China ay isa nang super power.

Bakit ba nangyari sa atin ito? Simple lang ang kasagutan. Mahina si PNoy. Mahina ang sandatahang lakas natin, halos walang lakas.

Hanggang monitoring lang ang kaya niyang gawin samantalang ang China ay nagko-construct na ng mga garrison sa mga isla ng Pilipinas.

Hindi natin kaya ang China, sabi ni PNoy. Daanin natin  sa pakiusapan, sa diplomasya, sa hinahon.

Nawala sa atin ang Sabah. Ngayon ay nawala pa ang South China Sea portion natin.

Baka isang araw ay mawala na rin sa atin ang Palawan, Sulu at ang Mindanao.

Utang na loob. Magtapang-tapangan naman tayo. Totoong mahina tayo pero tiyak kong hindi duwag ang mga Pinoy.

Puwede tayong maging isang David upang matalo natin ang dambuhalang si Goliath.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply