Tropang Texters ibabaon ang Elasto Painters

texters

SUSUGOD ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa Smart Araneta Coliseum bukas ng gabi bitbit ang 2-0 bentahe sa Finals ng 2012-13 PBA Philippine Cup.

Habang sugatan naman ang Rain or Shine Elasto Painters pagsalang nila sa basketball court upang humirit ng Game 3 win.

Ayon kay RoS head coach Yeng Guiao ay kaya pang bumangon sa 0-2 pagkakalubog subalit pag natalo pa sila sa Game 3 ng kanilang best-of-seven series ay malabo na ang tsansa nilang makuha ang ikalawang sunod na titulo.

Naka-text ng pangalawang panalo ang TNT matapos silang sumandal sa kanilang depensa upang talunin ang RoS, 89-81 sa Game 2 kagabi na ginanap sa MOA Arena.

Halos pareho ang senaryo ng laban sa Game 1 dahil muli na namang kinapos ang E-Painters.

Sa Game 1 ay hinabol ng Elasto Painters ang 18 kalamangan ng Tropang Texters subalit kinapos sa huli.

Ganun din ang nangyari sa Game 2 dahil abante sa first half ang defending champion TNT, 44-35 at naitabla ito ng RoS sa third canto subalit hiningal na naman sila.

Bago matapos ang third period ay nakalamang pa ang Painters, 61-57.

Lumamang muli ang RoS, 76-75 may 5:15 minuto na lang sa final period subalit nag-load ng 14-5 run ang Texters upang mapalapit ang TNT sa golden Jun Bernardino Trophy.

Samantala, para kay Black hindi pa niya mailabas ang todo saya kahit kapit na nila ang 2-0 serye dahil ayon sa 10-time champion mentor ay kailangan pa nilang manalo ng dalawang beses.

Alas-sais ng gabi nakatakdang umpisahan ang Game 3 ng All-Filipino season.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply