Tropang Texters may tatapusin

tnt

ILANG oras na lang at sisikad na ang semifinal match ng Talk ‘N Text Tropang Texters at Alaska Milk na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Pakay tapusin ng Tropang Texter ang Aces upang sumampa ito sa Finals kung saan ay naghihintay ang rain or Shine Elasto Painters matapos patalsikin ang San Mig Coffee Mixers, 90-83 kagabi.

Hawak ng Tropa ang 3-2 karta sa kanilang best-of-seven series at nakatakda ang kanilang Game 6 ngayong 6:45 ng gabi.

Samantala, sa laban ng Mixers at Painters, abante ng apat na puntos ang Mixers, 52-48 sa half time subalit naagaw ng mga bata ni coach Yeng Guiao ang lamang sa third canto, 68-71.

“Sabi ko sa kanila ito na ang last chance natin para makapasok sa Finals.” Saad ni Guiao.

Si Jeff Chan ang nagbida sa Painters nang sumalpak ito ng 27 points na sinamahan pa ng seven rebounds at three assists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply