Tropang Texters pipindot ng 2-0

tnt

KUMPIYANSA si Rain or Shine Elasto Painters coach Yeng Guiao sa tsansa ng kanyang koponan na masisikwat ang titulo sa nagaganap na PBA Philippine Cup Finals.

Nagwagi sa Game 1 Finals ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 87-81 subalit ayon kay Guaio hindi lang naging maganda ang kanilang shooting at ang statistics nila ang magpapatunay na nanalo sila sa laban.

Ginawang basehan ni Guiao ang 18 puntos na hinabol nila na muntik pang mapunta sa kanila ang panalo kung hindi lang pinatay nina Tropang Texters cagers Larry Fonacier at Jayson Castro matapos pumukol ng importanteng baskets.

Para naman kay TNT coach Norman Black, kahit nakauna sila sa serye ay naniniwala itong ngayon pa lang mag-uumpisa sa saya dahil mas magiging maganda ang laban sa mga susunod na laro.

Alam ni Black na may mga adjustments na gagawin si Guiao at iyon ang kanilang aalamin at paghandaan.

Sinabi pa ni Guiao na kung magagawa pa nilang mas pabilisan ang kanilang running game ay naniniwala itong may silat sa kanila ang Texters.

Mamayang alas 6:45 ng gabi ilalarga ang Game 2 ng best-of-seven series All-Filipino Finals na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply