Tropical Cyclone, mananatali sa bansa hanggang Huwebes

bagyo

MAGPAPATULOY hanggang Huwebes (Enero 24) ang nararanasang pag-ulan sa Davao dahil sa Tropical Cyclone, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nagbabala rin ang PAGASA sa mga fishing boats at mga maliliit na mga sasakyang pangdagat na huwag pumalaot at inalerto na ang mga malalaking sea vessels dahil sa mga malalaking alon.

Pinag-iingat din ng ahensya ang mga nasa Metro Manila sa loob ng 12 oras dahil sa pag-develop ng thunderstorms.

Sa ngayon, anim na mga bayan na sa Compostela Valley ang lubog sa tubig baha kabilang na ang Mawab, Monkayo, New Bataan, Compostela, Nabunturan at Montevista.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Ang Silangang Kabisayaan, Kabikulan, Cagayan Valley at ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay magiging maulap na may mahinang pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap na papawirin na may dagliang mahinangpag-ulan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply