TRU ng QC inutil sa mataas na singil ng QUITODA

_lily reyes

ANO ba ang pinaggagawa ng mga lintik na tauhan ng Department of Public Office and Safety (DPOS) ng Quezon City Hall at hindi nila namo-monitor ang taas ng pamasahe na sinisingil ng ilan sa mga TODA dito.

Ano ang ginagawa ng mga tauhan nitong si Retired General Elmo San Diego, hepe ng Quezon City-DPOS, at pinabayaan nilang maningil ng mataas ang (Quirino Tricycle Operators and Drivers Assn.) o QUITODA?

Sinamantala ng mga hayop na mga tricycle driver ng QUITODA ang holiday season sa paniningil ng napakataas na pamasahe.

Noong una ay hindi ako naniniwala sa mga sumbong kung kaya sinubukan kong sumakay ng tricycle na may biyaheng QUITODA na may numerong 113 at noong magbabayad na ako ay nagulat ako n’ung sabihin niyang P25 na po ang bayad dahil may kasama daw akong bata.

Kinabukasan ay pinara ko uli ang isang tricycle at tinanong ko kung magkano ang pamasahe pagtawid lang ng Anonas St. ang sagot sa akin ng tricycle driver ay P25.00 din.

Sa pangyayaring iyon ay doon ko napatunayan na totoo lahat ng sumbong sa Lily’s Files.

Garapalan na talaga ang paniningil ng mataas na pasahe nitong mga tricycle ng Quitoda gayung ang ibang TODA naman sa Quezon City ay sumusunod sa itinakdang pasahe ng Tricycle Regulatory Unit o TRU.

Napag-alaman ng inyong lingkod na isang pulis pala ang presidente ng QUITODA kung kaya hindi ako magtataka kung bakit ganito na kataas ang singil ng kanyang mga driver, pulis pa?

Bukod pala sa sobrang taas kung maningil ang mga driver ng QUITODA ay hindi rin sila marunong magbalik ng mga naiiwang gamit ng mga pasahero.

Ganito na ba kainutil ang TRU ng Lungsod Quezon? Quezon City Mayor Herbert Bautista at Ret. Gen. Elmo San Diego, baka puwedeng imbestigahan ang TODA na ito, ang dami talagang nagrereklamo sa taas ng kanilang singil.

oOo

BINABATI ko po ang ating ka tropang si Dr. Hilda C. Ong, na tumanggap ng parangal ng “GAWAD MUYONG” award ng DENR-AILTF  bilang pagkilala sa kanyang mga naiambag na serbisyo publiko sa pamamagitan ng kanyang programang “Health and Travel @ Serbisyo Publiko” sa DWBL 1242 kHz

Ang nakatatabang pusong parangal na tinanggap ni Dr. Hilda C. Ong na may column din dito sa REMATE na Health and Wellness o At Your Service, ay totoong nakatataba ng puso na ayon sa kanya ay isang fulfillment dahil napatunayan niyang mayroon pala siyang nagawa para maisalba ang ating kalikasan.

Dr. Hilda C. Ong, sa ngalan ng pahayagang REMATE at Lily’s Files Column, ay binabati ka namin sa iyong napakagandang award.

Congratulations!!!

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 09087230036 o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.-com …

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply