True love wish ni Sarah G para kay Maja Salvador

sarah-geronimo-2

“I Wish her true love… true love.”

Ito ang sinabi ni Sarah Geronimo sa isang panayam sa telebisyon para sa kaibigang si Maja Salvador na nali-link ngayon kay Gerald Anderson.

Nagbigay man ng mensahe si Sarah para kay Maja ay hindi na ito nagdetalye pa tungkol sa close friendship nila ng actress.

Kaugnay nito, magugunitang noong nakaraang week ay pumutok ang  isyung Gerald-Maja na nagsimula matapos kumalat ang picture na nag-date ang dalawa.

At noong last Sunday nga ay sinabi ni Gerald sa The Buzz na kung bibigyan siya ng chance ay liligawan niya si Maja.

Bago kay Maja, sa Pop Princess na-link ang Kapamilya actor. Sa katunayan ang Sarah-Gerald issue ay naging matunog at pinag-usapan noong 2012 dahil sa balitang hindi umano boto si Mommy Divine, ina ng Pop Star sa actor para sa anak.

Sarah nag-misbehave

Sa naturang TV report, inamin din ni Sarah na nag-misbehave siya at hindi nakontrol ang kanyang emosyon sa episode ng “Sarah G Live” noong Sunday, January 13.

“Mali, mali po yung inasal ko… nag-misbehave po ako.” ayon kay Sarah sa panayam.

“Mas pipiliin ko lang po na ayaw magsalita, at yun po yung naging outlet ko—yung show.”

Ayon kay Sarah, siya mismo ang pumili ng mga kanta sa kanyang mga production sa show.

Napansin ng mga manonood na may tila pinatatamaan ang singer-actress ng awitin niya ang “Womanizer” ni Britney Spears.

Nagtawanan pa at nagpalakpakan pa ang audience sa studio nang maglitanya si Sarah ng: “Huwag po tayo dun sa mga womanizer, dun po tayo sa faithful.”

Pagkatapos ng show ay marami ang humuhulang si Gerald Anderson ang kanyang pinatatamaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply