Tsuper binoga, dedo

bangkay

TIGOK ang isang drayber nang barilin ng hindi pa kilalang lalaki sa Pasay City, kaninanag madaling araw.

Patay na bago pa idating sa Pasay City General Hospital ang biktima na kinilalang si Marlon Arroyo 41, may asawa residente ng Block-4 Lot-5 Brgy. San Dionisio Dasmariñas, Cavite, bunga ng isang tama ng bala sa sikmura na tumagos sa bahaging likuran.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Soquina ng Homicide Section ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa isang maliit na karinderya sa panulukan ng Baclaran at Roxas Boulevard.

Nauna rito, nakasagutan ng biktima ang isang pasahero sa pilahan ng pampasaherong jeep na may rutang Paliparan, Dasmariñas, Cavite pagkatapos ay nagtungo ito sa isang karinderya at uminom ng kape. Hindi namalayan ng biktima ang pagdating ng armadong suspek

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang malakas na putok sa lugar at bumulagta sa semento ang biktima.

Agad na tumakas ang hindi pa kilalang supek.

Inaalam na ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply