Tubero tinaga, todas

crime11

LASLAS ang leeg ng isang tubero nang tagain ng kanyang sariling pinsan na dating mental patient sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Fairview General Hospital (FHG) sanhi ng taga sa leeg ang biktimang si Allan Bautista, 18-anyos residente ng San Francisco del Monte, Q.C.

Hindi naman nanlaban ang suspect na si Adonis Matutina, 32-anyos na hawak pa ang bolo na ipinangtaga kay Bautista nang makuwelyuhan ng mga barangay tanod.

Sa ulat naganap ang insidente dakong alas 4 ng hapon sa tapat ng bahay ng suspect sa Barangay North Fairview.

Ayon sa nanay ng suspect na si Emma, bago ang insidente ay kinukumpuni ng biktima ang kanilang baradong kusina pero sumaglit muna sa hardware para bumili ng gamit.

Sa kanyang pagbalik, sinalubong na siya agad ng taga ng kanyang pinsan na nakuha ang bolo sa kanilang kusina habang ang biktima ay papasok pa lamang ng pintuan.

Bagama’t sugatan, nakatakbo pa sa bahay ng kanilang pinsan ang biktima ngunit biglang nag-collapse dahil na rin sa dami ng dugo na tumagas sa kanyang sugat.

Ayon kay PO2 Marlon de la Vega, si Matutina ay pasyenteng labas-pasok sa National Center for Mental Health.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply