TULAK NG PNP, ANTIPOLO BFP BULOK AT PANTAWID PASADA

benny antiporda

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaalaman, hinaing, puna, paninindigan, sumbong, suhestiyon at iba pa.

MASAMANG UGALI SA OSPITAL

Magandang araw po, Mr. Benny. Sana maparating sa kagawaran ng kalusugan ang masamang pag-uugali at trato sa mga nakapilang pasyente rito sa Dr. Jose P. Rizal Memorial Hospital. ‘Di angkop sa pinasok nilang kurso/trabaho ang mga ugali nila. Maraming salamat po. Fe del Bucal, Calamba City, Laguna. 0921296….

MAGTANIM NG PUNO

Maganda ang plano ng Department of Environment and Natural Resources sa Compostela Valley at Davao Oriental na taniman ng puno. Dapat hindi lang ang Mindanao ang taniman ng DENR kundi pati ang Visayas at Luzon. Hindi ‘yung napinsala lang ang dapat taniman kundi ang lahat ng lugar. At P301 a day na sahod sa pag-tatanim, okey ‘yan kaysa ibigay na pamasko sa mayayamang senador. 0909679….

ANTIPOLO FIRE STATION BULOK

Sir, dito po sa Antipolo Fire Station, kakaunti na lang ang nagdyu-duty na mga bumbero kasi puro sila inspection at pagtitinda ng fire extinguisher. Pinababayaan lang sila ng hepe na si Major Razal kasi nagre-remit ‘yung mga inspector. Saka ‘yung pondo nila sa Bureau of Fire Protection para sa gas, ang hepe at ins-pector lang ang gumagamit. City Hall ng Antipolo ang nagkakarga ng mga firetruck nila. Ninanakaw nila ‘yung pondo nila. Sa City Hall nila inaasa lahat ng kailangan nila. Sana po maitago n’yo ang katauhan ko at cp # ko. Salamat po, Sir Benny. 0920538….

AMA HINAHANAP

Good morning po, sir! Nais ko lang po sanang ipanawagan ang aking papa na si Dennis delos Reyes na kung saan man po siya ngayon, nais ko po siyang makilala. Kasi po 19 years ko na siyang hindi nakikita! Kung sinoman po ang nakakikilala sa kanya, pakikontak na lang po ako! Ako po si Janice delos Reyes! Maraming salamat po! God bless. 09107139297

MGA POLITIKONG WALANG KUWENTA

May tinutulungan po ako na kapitbahay na may anak na may sakit. Lumapit kami sa tumatakbo ulit na isang konsehal na si alyas JR dito po sa District 1 ng San Jose, Bulacan. Nagpunta po kami sa kanila noong unang linggo pa po ng Enero. Awa ng Diyos, 5 beses kaming nagpabalik-balik, walang ibinigay! Kahit pamasahe man lang! Madali siyang lapitan kung ang kailangan mo lang ay tent, pero kung pera na pambili ng gamot ng anak mo, wala! Kaya good luck na lang sa election. Ganundin ang nangangarap na maging congresswoman na si Imelda Papin, wala ring kwenta. Huling punta namin sa kanila, walang maibibigay kasi wala pa raw pondo. Ilalapit pa nila kay Mayor Reynaldo San Pedro. 0947835….

PLATE NUMBER NG KIDNAP VAN

Pakikalat naman po ang mga plate no. ng mga sasakyan na nangunguha ng bata, pati mga dalaga. Van na green – XMM-507 at white van – VXM351. From Aringay, La Union PNP. 0946244…

POLICE OUTPOST ANG KAILANGAN

Lagyan po sana kami ng police outpost dito sa Pila-Pila, Binangonan, Rizal. Ito po ang pangunahing makatutulong sa pagpigil sa lumalalang mga nakawan at dumaraming lulong sa droga na mga kabataan dito. Mga nakawan walang humpay at ‘di na kayang pigilan ng pamunuan ng barangay lamang. Kaya kami pong mga tahimik na mamamayan ng Pila-Pila, Binangonan ay nababahala at na aalarma. Sana mabigyan ninyo ng pansin na maibalik sa peaceful na kalagayan ang lugar na ito na dinarayo ng mga kawatan. Maraming salamat. Concerned citizen. 0905732….

CALLING MMDA

Good pm po. Hihilingin po sana namin sa Metro Manila Development Authority na mag-clearing operation uli rito sa Bgy. San Jose, Cal. at Q.C. partikular sa Bgy. 130 at 131. Ayaw aksyunan ng mga Bgy. official ang mga kalyeng halos ‘di na maraanan lalo na ang harapan ng mga Bgy. Hall. Salamat po! 0928253….

PANTAWID PASADA SA MASBATE

Ibigay na ninyo ang Pantawid Pasada naming mga drayber ng Masbate City o gusto ninyong magkalimutan tayo sa eleksyon. Hindi naman ‘yan para sa inyo kundi para ‘yan sa aming mga traysikel drayber. 0906640….

PULITIKA SA CAPIZ

Order ni Mar Roxas: Destroy the opposition by all means. Kaya ang daming namatay sa Capiz Provincial Hospital last December dahil kung kalaban ka sa pulitika, kukuha ka muna kay Gov. Tanco ng clearance saka ka bibigyan ng atensyon. Ang kawawa ay ‘yung mga buntis at bata na bagong rescued sa baha. Lahat patay sa gawa ni Roxas. 0912842….

TULAK KAKAMPI NG MGA PULIS

Sir Benny, good pm. Dito sa Cainta, Rizal, hindi yata kayang mahuli si Jayson alyas Utak. Kakampi yata ng mga pulis. Big time na tulak ng shabu rito at hulidap style. Siya ang bibili tapos kasunod ang pulis na may pera para ibalik ang shabu. Kahit na wala kang alam, Sir, tataniman ka pero sa kanya galing ang bato. Asset daw yata ‘yang si Utak. Thanks. Please lang ‘wag na sanang ipakita ang cellphone number ko. Concerned Citizen ng Cainta.

TUWID NA DAAN AT MEDIA

Kung talagang puspusan ang gobyernong Aquino sa tuwid na landas na tatahakin, dapat pakinggan niya ang tinig ng mga mumunting mamamayan nating mahihirap upang iparating ang kanilang hinaing sa pamamagitan ng media! 0909679….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply