Tulak, may-ari ng drug den, timbog ng PDEA

PDEA-2

ISANG 35 anyos na tulak ng shabu at kanyang live-in partner at siyam pang kasamahan ang inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 13, (CARAGA Regional Office) Special Enforcement Team na isinagawang buy-bust operation sa Agusan del Sur noong January 25, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Ernie Nuer, 35, walang hanap buhay at may ari ng drug den, live-in partner na si Esnaira Sultan, 23, ;  Noel Lopez, 33, ; Jessie Alipayo, 27, ; Jobert Vales, 28, ; Gefsi Nuer, 25, ; chainsaw operator; Johnnylo Vales, 30, magsasaka; Chyzer Quijada, 27, pawang residente sa  Purok I, San Nicolas, Talacogon, Agusan del Sur; Edison Guerrero, 20, at Ryan

Nuzon, 26, motorcycle driver, kapwa residente sa Dona Maxima, San Luis Agusan del Sur.

Nauna rito, isang transaksiyon ang ikinasa sa pagitan ng isang undercover agent ng  PDEA RO13 sa pangunguna ni  Director Erwin S Ogario at mga suspek hinggil sa napagkasunduang bentahan ng droga sa kanilang lugar sa Purok I, San Nicolas, Talacogon, Agusan del Sur.

Matapos magkaabutan, agad dinakma ng mga nakakalat na operatiba ang mga suspek matapos iabot ang marked money.

Bukod sa nakumpiskang shabu, nakuhanan pa ng karagdagang 3 sachet ng shabu ang mga suspek, mga drug paraphernalia, gamit sa repacking, isang motorcycle at mobile phone at P 515.00 cash.

Napag-alaman na ang naturang drug den ay kumikita umano mula P30K hanggang P50K bawat araw sa bentahan ng shabu.

Naisumite na ang mga nakumpiskang ebidensiya sa PNP Regional Crime laboratory para masuri .

Pansamantalang nakapiit sa PDEA RO-13 (CARAGA) Jail Facility,ang mga suspek matapos silang sampahan ng kasong paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Den, Dive or Resort) in relation to Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply