TULIRO NA ANG COMELEC AT IPOKRITONG REP. EVARDONE

burdado- jun briones

MULA sa Freedom Of Information (FOI) bill na pinatulog sa kanyang committee hanggang sa isyu ng “balimbing” ay wala talaga ako ni kapiranggot na bilib dito kay E. Samar Rep. Ben Evardone.

‘Wag na nating pag-usapan ang  FOI dahil ang konsensiya ni Evardone (kung meron man) ang nakaaalam ng tunay na dahilan kung bakit naantala nang husto ang pagpasa ng FOI bill. Ang FOI kasi ang magmamando sa mga ahensya ng pamahalaan na ipaalam sa tao o liwanagin ang bawat sentimong ginastos ng mga ito.

At mismong si Kristo ang nagpahayag na ang mga gumagawa ng katarantaduhan ay natatakot sa liwanag!

Kaya ko naman nasabi, parekoy, na ipokrito si Evardone, ay dahil sa kanyang mga pananalita kontra sa mga politikong itinatago ang tunay na kulay. Kung oposisyon aniya ay dapat na magpaka-oposisyon!

Sa isang banda, tama ang kanyang sinabi, dahil wala nga namang kwenta ang politikong hindi mo alam ang kulay.

In-short, balimbing! Pero ang hindi lang tama sa aking pananaw ay ang nagsalita! Dahil mismong si Rep. Ben Evardone ay dating Lakas na bumalimbing lang sa Liberal!

Kung ‘yan ay hindi kaipokrituhan, ano ang tawag dyan?

PARANG hilong talilong na, parekoy, itong mga commissioner ng Comelec. Paiba-iba ang mga sinasabi kaya lalong naguguluhan ang taumbayan! May kanya kanyang motibo kasi at ang karamihan ay pera ang mga nasa utak! Huh!

Dito na lang sa una nilang pahayag na kailangan daw ang “prior approval” ng Comelec bago magpa-interview sa media ang bawat politiko.

Tangna, sa isang probinsya na lang na kung ilang libo ang kandidato tapos iisa lang ang mag-aaprub na Provincial Election Supervisor, kakayanin kayang asikasuhin lahat?

Nang pumalag ang KBP, biglang nilinaw ni Comm. Sarmiento na ang ibig  daw sabihin ng “prior approval is prior notice” sa Comelec.

Nang tinanong si Sarmiento; Paano naman ‘yung mga biglaang interview ng media?

Basta raw pagkatapos ng interview ay ipaalam agad!

Bwaka ng ina ko talaga oo, lalong lumabo ang paliwanag!

Saan ka naman nakakita ng “prior notice” na pagkatapos?

Diyos na mahabagin! Ganito na ba kababaw ang utak ng ating commissioners! Ang prior ay pagkatapos? Baka naman sabihin ninyo na ang aftershock ay bago lumindol!

Hak, hak, hak! Pwe kayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply