Tulong sa 6 na OFW na nasawi sa Algeria, pinamamadali

NANAWAGAN si Zambales Rep. Mitos Magsaysay kay Pangulong Aquino na pakilusin nito ang mga kinauukulang ahensya upang magbigay ng kaukulan at mabilisang tulong sa pamilya ng anim na Pilipinong nadamay at nasawi sa isang hostage taking sa Algeria.

Binigyang diin ng  lady solon na marapat lamang na madaliin ng Department of Foreign Affairs ang pagpapauwi sa bansa ng mga labi ng mga yumaong Pinoy.

Dapat din aniyang paigtingin ang paghahanap pa sa apat na Pilipinong nawawala matapos ang hostage taking na kagagawan ng mga militante ng nasabing bansa.

Ngunit bukod sa tulong pinansyal na maaaring ibigay sa pamilya ng mga yumao ay dapat ding bigyan din ng counseling at emotional support ang pamilya upang matulungan ang mga ito na makabangon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply