Tumangging ibigay ang bag, accountant kritikal sa tandem

emergency-2

MALUBHA ngayon sa pagamutan ang isang accountant makaraang barilin ng isa sa riding-in-tandem nang tumanggi ang una na ibigay ang dalang bag sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si Corazon Mesina, taga-9th Avenue ng lungsod, sanhi ng tama ng bala sa tiyan.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa 4th St., 9th Avenue ng lungsod nang harangin ng mga suspek at tutukan ng baril.

Habang nakatutok ang baril ay kinukuha ng mga suspek ang bag ng biktima subalit tumanggi ang huli.

Nabuwisit ang isa sa mga suspek at binaril ang biktima bago kinuha ang bag na naglalaman ng hindi pa batid na halaga ng pera.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi nakuha ang plaka habang isinugod naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply