Tumangging makipag-sex; bagets binugbog ng bading

crime7

ARESTADO ang 24-anyos na bading makaraang hampasin ng dos por dos ang kanyang menor de edad na nobyo nang tumanggi ang huli na makipag-sex sa kanya sa Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Elmer Bagua, ng Bani, nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, nabatid na niyaya ng bading ang kanyang 16-anyos na nobyo para mag-sex pero tumanggi ang bagets.

Sa asar ay kumuha ng dos por dos ang bading at pinaghahampas ang binata.

Agad namang naaresto ang suspek nang makahingi ng tulong sa pulisya ang biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply