Turismo sa bansa palakasin pa – Angara

sonny-angara

KAILANGANG panatilihin ang tourism momentum sa Pilipinas.

Ito ang panawagan ni Aurora Rep. Sonny Angara sa mga publiko maging sa pribadong sector kasunod ng mga magagandang komento na nanggagaling sa mga “reputable international travel publications.”

“2013 started off as a good year for Philippine tourism. We should capitalize on this momentum and finally get our act together,” ani Angara.

Tinukoy pa ng mambabatas ang ginawang pagkilala ng Conde Nast Traveller, isang London-Based luxury travel magazine, sa Pilipinas bilang isa sa “Destinations to Watch in 2013,” dahil ang Pilipinas ay binubuo ng may 7,000 malalaking isla sa biuong mundo.

Maging ang New York-based Travel+Leisure Magazine ay kumilala rin sa Pilipinas bilang isa sa mga “Hottest Travel Destinations of 2013” samantalang binanggit naman ng The New York Times ang Pilipinas ay kabilang sa listahan nito bilang “Places To Go in 2013.”

Banggit pa ng kongresista na hindi kakayanin ni Secretary Jimenez maging ng DOT ang ganito kalawak na gampanin nang walang partisipasyon mula sa publiko at pribadong sector.

Pangunahing katuwang ng DOT sa pagsusustine ng turismo sa bansa ang DOTC, DFA, DPWH, at PNP.

Giit pa ni Angara na bagama’t maganda ang person ng mundo sa Pilipinas ay kailangan pa rin aniya ang mga tinatawag na “on-the-ground reforms.”

Nitong nagdaang taon ay umabot sa 4.3 milyon ang mga turistang dumating sa bansa na mas mataas sa 2011 na nasa 3.9 milyon lamang ngunit ito ay malayo pa rin kung ikukumpara sa Thailand na may dumating na turista ng 22 milyon samantalang ang Hongkong ay 46 milyon nitong 2012.

“Real action must start as soon as possible if we are to ever achieve the 10 million visitors the DOT is targeting for 2016,” paliwanag ni Angara.

Ang isyu ng seguridad sa bansa ay dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng mga otoridad upang lumawak pa ang bilang ng mga turistang kampanteng dadalaw sa Pilipinas.

“Visitors can easily access Boracay via Caticlan, but what about those who want to visit Siargao, or El Nido in Palawan?” ayon sa mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply