Tuwid pero maputik na daan sa customs

KINUKWESTIYON ng mga kritiko sa loob ng Bureau of Customs ang pagkaka-kopo ng isang baguhang kontratista sa maraming proyekto sa ahensya.

Ang masaklap pa nito ay tila hindi dumaan sa magandang proseso ang pagkaka-award ng mga proyekto tulad ng renovation ng ilang gusali sa bureau , mga arko , mga pathways na nilagyan ng bubong ,at mga proyekto rin sa MICP.

Pinaniniwalaan umano na isang nagngangalang “Puyat” at Calixto” ang nasa likod ng pagdagsa ng mga proyekto para sa nasabing kontractor.

Hindi maiwasang madamay ang sa nabanggit na kaganapan sa ahensya ang pangalan ng butihing Komisyuner Bong BIazon at Dep. Comm. Jorenz Tanada ,dahil umano sa command responsibility na inaasahan sa kanila bilang overseer ng organisasyon .

Gayundin umano sa opisina ng ICare ,talamak umano ang tarahan na nangyayari dito dahil sa taas ng tara ng mga inspector dito na may basbas umano ng matataas na opisyal na nakikinabang din sa proseso. Ayon sa source, ilan lamang sa ICare ang brutal na halos puhunan na ng mga kumpanya ang gustong presyo , malalaks umano ang loob dahil diumano may bahagi ang mga ilang opisyal na pumipirma .

Kalimitan sa mga ganitong kalakaran ,ay walang alam ang mga mismong mga opisyal o sadyang walang lakas na banggain ang mga naka-ugat ng mga kawani sa ahensya.Dahil dito ay nanawagan ang mga ayaw magpabanggit ng pangalan na nagmamalasakit sa matuwid na daan na ipinangangalandakan ni Pangulong Pnoy at Comm. Biazon , na tignan at rendahan nina ICARE chief Atty. Rhea Gregorio , DepCom for Intelligence Danilo Lim at Chief of Staff Rey Ordonez ang mga malulupit na tauhan sa bahaging ito ng customs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply