Ulo ng ginang, minartilyo ng magnanakaw

crime10

HINDI sa pako kundi sa ulo ng isang ginang hinataw ng magnanakaw ang kanyang martilyo nang magising ang una sa kanyang kaluskos sa Zamboanga City, Linggo ng gabi (Enero 20).

Sugat at pasa sa ulo at ngayon ay nakaratay sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ang biktimang si Marjie Macapili, ng Barangay Recodo sa Zamboanga City.

Hindi naman namukhaan ng biktima ang suspek dahil nang maganap ang insidente ay nakapatay ang kanilang ilaw sa kuwarto.

Nabatid na naganap ang insidente alas-11:45 nitong Linggo ng gabi sa kuwarto ni Macapili.

Ayon kay Macapili, natutulog sila ng kanyang mga anak nang maramdamang may kumakaluskos sa loob ng kanilang bahay.

Tatayo pa lamang siya mula sa kama para tingnan kung sino ang nasa kanilang sala nang may pumukpok sa kanyang ulo.

Bagama’t sugatan, nakahingi ng tulong sa kanyang kapitbahay ang biktima kaya umigtad ang suspek at iniwan ang bitbit nitong gamit ni Macapili.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply