Umawat sa away ng utol, utas sa boga

PATAY ang isang binata matapos barilin ng kapatid na nakaaway ng kanyang utol sa Caloocan City kaninang madaling araw, Enero 1.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala sa katawan si Jerry Sarabia ng Josefina st., 4th Avenue, nasabing lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si Alvin Cordial ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng madaling araw, angkas ng biktima ang kapitbahay na si Bryan Leuterio, 22 sa motorsiklo nang harangin ng suspek.

Kinompronta ng suspek ang biktima dahil sa awayan ng kanilang mga kapatid hanggang sa magbunot ng pen gun ang una at malapitang putukan ang namatay.

Matapos ang insdente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinag-awayan ng mga kapatid ng biktima at ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply