‘UNFAIR ELECTION ACT’

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

NAGKAKAMALI ang Comelec kung ang isinasangkalan nila ay ang Fair Election Code sa paghihigpit ng oras para sa mga political advertisement sa radyo at telebisyon.

Limitado ngayon ang political ads sa 120 minutes sa TV at 180 minutes naman para sa mga radyo. Noong mga nakaraang election, mula 2004, 2007 hanggang 2010, ang patakaran ay 120 minutes per station. Ngayon kailangang pagkasyahin ng mga kandidato ang oras na itinakda ng Comelec.

Tanong: parehas ba ito para sa mga walang perang kandidato? Simple lang ang sagot natin d’yan. Kung P2,000 per 25-seconder ang TV ads, puwede nating sabihin na iiral ang Fair Election Act.

Pero ilusyon lang ‘yan dahil ang totoong presyuhan kapag election ay aabot sa P700,000 hanggang P850,000 ang per 30-seconder sa mga prime time at mga top TV networks.

Ibig sabihin, sa mga nakaraang eleksiyon na mistulang naka-unli ang pagpapalabas ng mga propaganda; hindi rin nakakayanan ng karaniwang kandidato ang ganitong presyuhan kaya namamayagpag ang mga mayayamang aspirant.

Isang TV station at one spot pa lang ang pinag-uusapan natin d’yan. Hindi naman puwedeng isang beses ka lang magpropaganda sa TV sa 90-day campaign period sa national o kaya’y 60-day period naman sa lokal.

Ngayon  naman, gamitin natin ang argumento ng Comelec na sa pamamagitan ng ganitong patakaran ay magkaroon ng level playing field sa lahat ng klase ng mga kandidato.

Babalik ulit ako sa aking halimbawa na tama ito,  kung dalawang libong piso lamang ang halaga ng TV ads.

Ang katotohanan, mas lalong ginipit ng Comelec ang mga dukhang kandidato sa kanilang polisiyang ito.

Una, kung halimbawang  ang Allan TV noon na ang presyo ay P850K ay biglang magtataas ng P1.5M, paano na lalo ang mga mahihirap na kandidato?

Kung ang dating P30,000 per 30 seconder noon sa Radyo Allan ay gawin namang P300,00 dahil konti lang ang oras na allowed ng Comelec?

Hindi ba’t sablay ang ganitong patakaran, lalo na’t wala namang kontrol ang Comelec sa management ng mga TV at radio stations?

Sa tingin natin, ang tamang paraan ng pagbibigay ng parehas na pagtrato sa mga kandidato mahirap man o mayaman, sikat man o hindi ay bigyan sila ng libreng tig-180 minutes sa government TV stations at tig-120 minutes sa mga istasyon ng radyo ng gobyerno.

At higit sa lahat, kailangan ding maglabas ng en banc resolution ang Comelec na mag-aatas naman ng price ceiling sa political ads  sa TV, radyo at print na magiging affordable sa lahat ng uri ng kandidato.

‘Yan ang totoong Fair Election Act at hindi ang pinagsisigawan ngayong katwiran ng mga taga-komisyon na ang tingin natin ay lantarang “unfair election act” sa mga purdoy na kandidato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply