Unity walk isasagawa bukas ng Comelec

MAGSASAGAWA ng unity walk ang Commission on elections (Comelec) kasama ang Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bukas, Linggo, bilang hudyat ng pagsisimula ng election period.

Layon nito na ipakita sa publiko na buong puwersang nagkakaisa ang pamahalaan para sa kapayapaan at kaayusan ng halalan sa darating na Mayo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, ganap na alas-5:00 ng umaga bukas isasagawa ang unity walk mula sa Quezon Memorial Circle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply