UPDATE: 216 na ang sugatan sa traslacion

injured-nazarene

NASA 216 deboto na ang sugatan sa nagaganap na traslacion ng Black Nazarene mula kaninang umaga hanggang  alas 3:00 kaninang hapon.

Ayon sa MPD, karamihan sa mga ito ay hinimatay at  namaltos ang mga paa  dahil sa kanilang mahabang paglalakad  na nakayapak.

Sa ngayon ay  halos nasa siyam na oras na ang paglilipat ng imahe ng Poong Nazareno sa simbahan ng Quiapo .

Siksikan pa rin  at tila dagat na umaalon ang kapal ng mga deboto kung saan ipinakikita ang kanilang debosyon  sa mahal na poon.

Inaasahan naman na tatagal lamang ng 12 oras  ang traslacion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply