Update: 3 holdaper patay sa engkuwentro sa San Pedro, Laguna

3-dead

NAPATAY ang tatlong hinihinalang holdaper na naganap na engkuwentro sa New Years Avenue Barangay GSIS, San Pedro, Laguna kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

Batay sa ulat ng San Pedro-PNP, hinarang ng mga suspek ang isang motorista at sapilitang inagaw ang cellphone at motor nito.

Agad naman nakapagsumbong sa pulisya ang biktima dahilan upang tugisin ang mga holdaper subalit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ang mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang .38 calibre ng baril at 22 na revolver.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na napatay sa engkuwentro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply