UPDATE: 4 nagpaputok ng baril, hindi na suspek sa pagkamatay ni Stephanie Nicole

INALIS na sa listahan ng mga suspek ang apat na sumuko makaraang aminin na nagpaputok sila ng baril noong kasagsagan ng Bagong Taon, ikinamatay ng batang si Stephanie Nicole Ella.

Ilang oras lamang ang lumipas ay inalis na ng Caloocan operatives sa listahan ng suspek ang grupo ni Juan Agos at tatlo pang kasama nang lumabas sa pagsusuri na hindi tumugma ang bala ng kanilang mga armas sa bala na bumawi sa buhay ng paslit.

Samantala, hindi pa rin pinakawalan ng mga pulis ang apat matapos kasuhan ng indiscriminate firing.

Unang lumabas sa pagsusuri ng pulisya na kalibre .45 ang kumitil sa buhay ni Nicole na katulad din sa armas na sinabi ni Agos na kanyang ginamit sa pagpaputok sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

 

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply