UPDATE: 7 biktima ng pamamaril sa Cavite isinugod sa PGH

ISINUGOD sa Philippine General Hospital (PGH) ang pitong biktima ng pamamaril ng nag-aamok na lalaki sa Kawit, Cavite kaninang umaga.

Kinilala ni Corporal Wilfredo Gregory ang mga biktima na sina Maricel Pajal, 30; Antonio Orio, na isang magtataho at ang magkapatid na Ken Cedric st Rachel Calmol, 16 anyos.

Dead on arrival naman ang isa pang biktima na si Al Orio, kapatid ni Antonio Orio.

Kasama rin sa dinala sa PGH ang biktimang si Ricky Dumigdig, 17.

Ang mga biktima ay una nang dinala sa pagamutan sa lalawigan ngunti dahil kulang sa pasilidad ay inilipat sa PGH.

Kaninang umaga, walang habas na namaril ang suspek na si Ronald Bae, dating tumakbong kapitan sa Barangay Tabon Uno, sa nabangit na munisipalidad.

Habang isinusulat ang balitang ito ay ginagamot pa sa PGH ang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply