UPDATE: 9-anyos nene patay sa German shepherd

dog-attacks

PATAY agad ang 9-anyos na bata makaraang sakmalin ng German Shepherd habang naglalaro sa Summer Hill Subdivision, Barangay Pasonanca, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Mariane Gonzalez Pahamutang, Grade 4 pupil ng Pasonanca Elementary School.

Sa imbestigasyon, ang sakmal sa leeg ang dumale sa biktima.

Nabatid na alas-4:50 ng hapon habang nakikipaglaro ang bata sa harapan ng gate ng Fil-Chinese na si Geolar Tan nang ilabas ng huli ang kanyang alagang German Shepherd para pakainin.

Pero nagwala ang aso at pinaghahabol ang biktima kasama ng kanyang mga kalaro,

Malas namang nadapa ang bata nang mahulog ang isang paa sa kanal kaya naabutan siya ng aso.

Dito na sinakmal ng aso ang bata na halos ikahiwalay ng kanyang leeg sa ulo.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide naman ang isinampa sa suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply