UPDATE: Asawa ng nurse na tinambangan, ipatatawag ng pulisya

crime10

PLANO ng pamunuan ng Pasay police na imbitahan ang arkitektong asawa ng nurse na nabaril, kasama ang isang tattoo artist na kasalukuyang agaw-buhay upang alamin kung may maibibigay siyang impormasyon kaugnay sa nangyaring pananambang sa dalawa noong Lunes ng hapon sa Pasay City.

Ayon kay Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Investigation Division ng Pasay police, iimbitahan nila si Architect Anthony Gagarin, 32, asawa ng sugatang nurse na si Baby Abegail, 27, upang makuhanan ng pahayag hinggil sa insidente ng pamamaril kung saan nasa kritikal pa ring kalagayan ang tattoo artist na si John Christopher Palad 25,  ng 2434 M Dela Cruz St., Pasay City, na siyang kasama ng ginang nang sila ay tambangan.

Napag-alaman na inilipat na rin ng kanyang amang si Mang Angelito, 50, ang tattoo artist na anak sa UERM Hospital dahil kailangang isailalim ito sa maselang operasyon matapos tamaan ng apat na bala sa katawan at braso na nagresulta sa pagkadurog ng kanyang buto.

Sa pahayag ni Mang Angelito sa pulisya, ipinakilala sa kanya ng anak si Abegail noong Lunes ng tanghali bilang bagong kaibigan na nakilala lamang noong Disyembre 10 sa pamamagitan ng isa ring kaibigan.

Kuwento pa ni Mang Angelito, si Abegail umano ang gagawing modelo ng kanyang anak at ilalaban sa lalahukan nitong tattoo competition.

Batay sa report ng pulisya, magkasabay pang lumuwas ng Maynila mula sa kanilang lalawigan sa Lipa City, Batangas ang mag-asawa at naghiwalay lamang matapos unang bumaba ng bus ang lalaki sa Muntinlupa City habang nagtuloy naman sa Cash and Carry sa Buendia ang ginang kung saan siya sinundo ni Palad at ipinagsama sa kanilang tirahan sa Pasay city,

Napag-alaman din ng pulisya na kaagad na inilipat ni Gagarin ang asawa sa pribadong pagamutan matapos isugod ang dalawa sa Pasay City General Hospital matapos ang nangyaring pananambang sa kanila sa kanto ng Arnaiz at M. Dela Cruz bago mag-alas-2 ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply