UPDATE: ‘Auring’ nakalabas na sa teritoryo ng bansa

bagyong-auring

NAKALABAS na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang kauna-unahang bagyo ngayong 2013 na si ng Auring.

Ngunit kahit ito ay wala na sa PAR, patuloy pa ring nananatili ang signal number 1 sa Southern Palawan, habang ayon sa Pagasa, ay patuloy namang uulanin ang iba pang bahagi ng ating bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Auring sa layong 330 kilometro sa timog kanluran ng Puerto Princesa City.

Nananatili pa rin ang lakas nitong 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo ng pakanluran sa bilis na 28 kilometro bawat oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply