UPDATE: Biktima ng paputok umakyat sa 800

putol

LOMOBO na sa 800 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa pagpapaputok at natamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH), nabatid na simula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 3, umakyat na sa 789 ang bilang ng revelry-related injuries na kanilang naitala sa bansa.

Ito’y mas mababa ng 73 kaso o walong porsiyento kumpara sa naitalang kaso sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, karamihan sa mga kaso ay naitala sa National Capital Region (443), kasunod ang Region 1 (64), at Region VI (59).

Sa kabuuang bilang ay 765 ang nasugatan dahil sa paputok, 22 ang sa ligaw na bala at dalawa ang dahil sa firecracker ingestion.

Sa 22 kaso ng stray bullet ay dalawa ang namatay at karamihan sa mga kaso o walo ay mula sa NCR, sumunod ang Region VII na nakapagtala ng pitong kaso.

Magpapatuloy ang monitoring ng DOH sa mga nabiktima ng paputok hanggang sa Enero 5.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply