Update: Canadian, 2 pa patay sa pamamaril sa Cebu

crime6

PATAY na ang tatlo kabilang ang Canadian national na namaril sa loob ng Marcelo Fernan Hall of Justice sa Cebu City kaninang umaga.

Nabatid na dumating ang dayuhang si John Pope pasado alas-8:00 ng umaga sa Marcelo Fernan Hall of Justice (Palace of Justice) upang dumalo sa pagdinig ng isa sa mga kasong inihain laban sa kanya.

Ngunit bago nagsimula ang hearing ay bigla na lamang pinagbabaril ni Pope ang naghain ng kaso laban sa kanya na si Dr. Rene Rafols at ang abogado niyang si Atty. Giovanni Achas habang nasa loob ng MTCC Branch 6.

Kaagad namatay sina Dr. Rafols, pediatrician, na nagsampa ng kasong maliscious mischief laban kay Pope; at si Atty. Achaf, abogado ng doktor.

Matapos ang pamamaril sa loob ay dumiretso naman ang dayuhan sa MTCC branch 1 at doon naman ay pinagbabaril ni Pope si Cebu City Assistant Prosecutor Maria Teresa “Matet” Casiño.

Ayon sa ulat sa radyo, sinasabing nabaril ng isang PO1 Hagupit ang suspek  na nagtamo ng tama sa ulo at dalawang tama sa paa.

Una nang napabalitang nagbaril din sa sarili ang Canadian matapos ang pamamaril.

Bandang alas -10:50 ng umaga naman nang ideklarang patay si Pope sa Cebu Doctors Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply