UPDATE: Cebu court shooting suspect patay na, piskal ligtas na

crime5

PATAY na ang retiradong Canadian journalist na bumaril sa dalawang katao sa isang court hearing sa Cebu City kaninang tanghali.

Ang suspek na si John Pope ay idineklarang patay na dakong 10:50 a.m. sanhi ng tama ng bala sa ulo at dalawa sa kanyang tuhod.

Bumubuti naman ang kondisyon at ngayon ay ligtas na sa kapahamakan ang biktimang si Mari Theresa Casino, assistant city prosecutor ng Palace of Justice ng Cebu City na may tama ng bala sa ulo.

Binaril ni Pope ang isang abogado  at isang doktor sa isang court hearing sa Palace of Justice sa Cebu City pasado alas-8:30 ng umaga kanina.

Nauna rito, sinabing tumakbo si Pope sa lobby ng nasabing korte at binaril ang sarili pero ayon naman kay Central Visayas police head Chief Superintendent Marcelo Garbo Jr. mga pulis ang bumaril kay Pope. Isinugod ito sa Cebu Doctors Hospital.

Kasunod ng insidente, sinuspinde ang trabaho sa municipal trial court, ayon kay Court Administrator Midas Marquez.

Dahil sa insidente, hinigpitan ang seguridad sa Palace of Justice pero inaalam mabuti ng police investigators kung paano nailusot ni Pope nang hindi nasisita ang kanyang 38 kalibre ng baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply