Update: Estudyante dumayb sa QC underpass, kilala na

crime11

HINDI lang nabasag ang ulo kundi nalasog pa ang katawan ng isang estudyante matapos tumalon sa Mindanao underpass at masagasaan pa ng sasakyan sa Quezon City nitong Linggo ng gabi (Enero 20).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Luke Darryl Santos, 19-anyos, 3rd year college student ng Philippine Maritime Institute.

Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nakasagasa sa biktima pero ang nasangkot na sasakyan ay isang Mitsubishi Montero na hindi nakuha ang plaka.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 11: 30 nitong Linggo ng gabi sa Mindanao Avenue underpass sa Quirino Avenue.

Ayon sa mga testigo, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang tumalon ang biktima sa nasabing underpass pero pagbagsak sa sementong kalsada ay minalas na masagasaan ng paparating na van.

Imbes naman huminto, humarurot ang suspect sa hindi malamang direksyon.

Ayon sa kamag-anak ng biktima, problema sa pamilya ang nakikita nilang motibo sa pagpapakamatay ng kanilang mahal sa buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply