UPDATE: Makapagtuturo sa kasama ng suspek sa Kawit massacre may P100K reward

crime9

NAGLABAS na ng P100,000 reward ang Cavite local government para sa ikadarakip sa kasama ng suspek na namaril sa Brgy. Tabon I, Kawit, Cavite na ikinamatay ng 10 katao.

Bukod kay Ronald Bae, napatay ng pulisya nang tumangging sumuko at manlaban pa, tinukoy din na suspek sa masaker ang isang John Paul na nagsilbing tagapagkarga ng bala sa baril ni Bae na ginamit sa pamamaril.

Ani Cavite Gov. Jonvic Remulla, malaking tulong kung agad na mahuli ang suspek sa maituturing na isa sa pinakamadugong krimen sa nasabing probinsya nang mabigyan ng katarungan ang mga biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply