UPDATE: Masaker sa Maynila: Ama ang suspek

3-dead

TINITINGNANG anggulo ng pulisya na ang mismong ama ang pumatay sa kanyang dalawang anak bago nagpatiwakal sa loob ng kanilang bahay sa 2411-D Leonor Rivera St., Brgy. 364, Zone 37, Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay S/Insp. Ismael Dela Cruz ng homicide division ng Manila Police District (MPD),  ayon sa naging salaysay ng testigong hawak nila na bandang alas-6:00 ng umaga kanina nang mag-akyat sa kwarto ang ama na si Jessie De Guzman ng softdrinks na may lamang silver nitrate, kemikal na panlinis ng alahas.

Matapos na umakyat ay nakarinig siya ng kalabog at ingay.

Nakarinig din siya ng pagmamakaawa ng kanyang pinsang na sina Jennifer at Jeramel sa kanilang ama.

Nakuha naman sa pinangyarihan ang stainless na baso, dalawang pitsel at martilyo na kasalukuyang isinailalim na sa pagsusuri.

Nabatid na nagtamo ng mga sunog sa labi, at mga pasa sa bahagi ng noo ang magkapatid. Isasailalim na sa autopsiya ang kanilang mga labi.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya ang motibo at ang totoong nangyari sa naturang krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply