Update: Prosecutor na binaril sa Cebu, kritikal

emergency

NASA kritikal na kalagayan ang prosecutor sa Cebu City na binaril ng isang Canadian national sa Hall of Justice, pasado alas otso ng umaga kahapon.

Sinabi ni Justice Sec. Leila Delima, ipagdarasal nila ang mabilis na paggaling ni Prosecutor Theresa Casino.

Batay sa report na tinanggap ni Prosecutor General Claro Arellano, pumasok sa skull ni Casino ang slug.

Dadalo sana ang gunman sa hearing sa kanyang kasong malicious mischief nang barilin nito ang nagreklamo laban sa kanya at abogado nito.

Pagtungo ng suspek sa Prosecutors office ay doon nito binaril si Casino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply