UPDATE: Reward sa makapagtuturo sa nakapatay kay Stephanie Nicole itinaas sa P.3 milyon

stephanie-wake

ITINAAS na sa P300, 000 ang reward sa makapagtuturo sa nakapatay kay Stephanie Nicole Ella sa Malaria, Caloocan City sa kasagsagan ng Bagong Taon.

Ito ay makaraang dagdagan ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian ng P100,000 ang naunang inilabas na reward ni Caloocan Mayor Recom Echiverri na P200,000.

Matatandaan na kagabi ay may apat katao ang sumuko sa pulisya sa pangunguna ng isang Juan Agos, ex-military ngunit agad ding inalis bilang mga suspek nang hindi magtugma ang bala na tumama sa biktima na mula sa kalibre .45 baril.

Nitong Miyerkules nang tuluyang bawian ng buhay si Stephanie Nicole sa East Avenue Medical Center.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply