Salpukan ng 2 sasakyan: 10 na ang patay, 49 sugatan

crime3

(UPDATE) TINATAYANG 10 na ang nasasawi habang 49 ang sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at prime mover na trak sa Barangay Uling, Naga City, Cebu kahapon.

Nasawi ang driver ng prime mover na si Antonio Omagay at ang siyam na pasahero ng Calvo Bus Lines (GHW-253).

Nabatid na galing ng Asturias ang prime mover at papuntang Cebu City nang mawalan ng preno at sumalpok sa bus na may lulang mahigit 50 pasahero, na mula namang Cebu at papunta ng Toledo City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, may kargang heavy equipment ang trailer truck nang magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng impact ng salpukan ay nahulog pa sa bangin ang bus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply