UPDATE: Nakapatay kay Stephanie Nicole nahuli na

step

MATAPOS magpalabas ng P200, 000 pabuya si Caloocan Mayor Recom Echiverri sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang nagpaputok ng baril na nakapatay sa 7-anyos na si Stephanie Nicole Ella sa Caloocan City ay nahuli na rin ang suspek.

Sa pinakahuling ulat, nagawang madakip ang suspek matapos magsagawa ng house to house investigation ang awtoridad sa naturang siyudad.

Kinilala ang salarin na si Juan Agos, ex-military man.

Matatandaan na nitong Miyerkules, Enero 2, 2013 nang tuluyang bawian ng buhay si Stephanie Nicole sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng ligaw na bala sa utak habang nanonood ng fireworks display sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Kanina, napag-alaman na bala mula sa kalibre .45 ang tumama sa bata.

Inamin naman ng suspek na ang kanyang pag-amin hinggil sa pagpapaputok ng baril ay para linawin na hindi siya ang nakapatay sa bata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply