US navy drone sa isla ng Masbate, inanod lang ng tubig – AFP

aerial-target-drong

IPINAHAYAG ngayon ni Armed Forces of the Philippines Public Information office (AFP- PIO) Chief Col. Arnulfo Burgos na malaki ang posibilidad na inanod lang sa baybaying bahagi ng Masbate ang natagpuang US Navy drone .

Sinabi ni Burgos na malakas ang agos ng tubig sa dagat Pasipiko kaya hindi malabong inanod ang nasabing Navy drone kaya ito napunta sa Masbate.

Una nang sinabi ni US Embassy Spokesperson Tina Malone na ang BQM-74E aerial target drone ay pinakawalan ng isang US ship sa Guam noong September 2012 bilang bahagi ng isang military exercise bagay na kinumpirma rin ni Burgos.

Una na ring itinanggi ng US embassy na ginagamit sa paniniktik ang US Navy drone.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Naval Forces Southern Luzon ang nasabing Navy drone.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply